Maraming mga Pilipino ang pumupunta sa ibat' bang panig ng mundo upang mag trabaho. Mababa kasi ang pasahod ng mga kompanya dito sa ating bansa. Kaya naman hirap nilang itaguyod ang kanilang pamilya. Kaya napipilitan silang mangibang bansa para makahanap ng mas magandang opurtunidad at mataas na sahod.
Ang mga kawawa nating mga kababayan na OFW ay kayod ng kayod sa ibang bansa kahit sila ay nahihirapan na. Basta may makain lang ang kanilang pamilya sa Pilipinas at basta may maipadala lang na pera para sa kanyang pamilya, pang aral ng kanilang mga anak, pang gastos sa araw araw at pambayad nila sa kanilang mga utang. Sabi nga ng mga balikbayan na mas maganda pa nga raw ang buhay dito sa Pilipinas kasi doon sa ibang bansa ay kayod sila ng kayod para maka ipon ng pera.
Tunay nga kahanga hanga ang mga kababayan natin na nag tatrabaho sa ibang bansa. Dahil kahit na hirap na hirap na sila hindi pa din sila tumitigil sa pagtatrabaho para sa kanilang pamilya. Kaya karapat dapat lamang silang tawagin na "Mga Bayani ng Ating Bansa".