Huwebes, Marso 23, 2017

Dapat Bang Aprubahan ang libreng Pamimigay ng condom ng DOH sa mga Senior High School Students


DAPAT BANG APRUBAHAN ANG LIBRENG PAMIMIGAY NG CONDOM NG ATING PAMAHALAAN SA MGA SENIOR HIGH SCHOOL STUDENTS?


PANIMULA:
           
Layunin ng pananaliksik na ito na malaman kung papayag ba ang mga SHS na ituloy ang planong pamimigay ng libreng condom ng ating pamahalaan upang mabawasan ang tumataas na kaso ng HIV/AIDS sa ating bansa.
            Ang condom ay naimbento ni Charles Goodyear taong 1839. At nailabas ito sa publiko noong 1855. Dumarami na ang kaso ng HIV/AIDS sa ating bansa. At patuloy na tumataas ang mga nagkakaroon ng sakit na ito sa ating bansa. Karamihan pa sa mga nagkakaroon nito ay mga kabataan na may edad na 17-25 na taong gulang. Kaya naman nababahala na an gating pamahalaan. Ang naiisip nilang paraan para mabawasan ang tumataas na kaso ng HIV/AIDS sa ating bansa ay ang pamimigay ng libreng condom para sa mga SHS.
            Hindi pa ito naaaprubahan ng DepEd sa ngayon at kung matutuloy ang panukalang ito mamahagi na sila ng mga condom sa mga paaralan sa susunod na taon. Hati naman ang opinyon ng mga kabataan tungko dito. Ngunit alanganin na matuloy yan dahil maraming makakalaban ang DOH diyan. Isa na diyan ang simbahang Katoliko at ang mga magulang ng mga estudyante. Kapag namigay ka kasi ng condom, hindi mo hinihikayat ang kabataan na umiwas kundi ini-engganyo mo na subukan nila kasi alam nila na ligtas sila sa condom na yun.


Kahulugan ng mga termino.
       HIV- Human Immunodeficiency Virus.

AIDS- Ang AIDS o Acquired Immune Deficiency Syndrome ay
nakukuhang sindrom n may panghina ng resistensya. Ito ay huling yugto ng impeksyon ng HIV.

         SHS- Senior High School

         DOH- Department of Health
        
        


KATAWAN

Ang mga interbyu ay mga SHS ng Arnedo, National, High School kung saan ay nag interbyu ng dalawampung estudyante (20). Sa unang tanong, tinanong ang mga ito kung ilang taon na sila. Labing apit (14) na tao o 70% na pursyento ang nagsabing sila ay labing pitong taong gulang (17). Apat (14) naman o 20% ang nagsabing sila ay labing anim (16) na taong gulang at dalawa (2) naman o 10% ang nagsabing  sila ay labing siyam (19) na taong gulang.
 Sa pangalawang tanong, tinanong ang mga estudyante kung pumapayag sila na ipatupad ang panukalang pamimigay ng librenng condom sa mga SHS upang mabawasan ang tumataas na bilang ng mga nagkakaroon ng HIV/AIDS sa ating bansa. Sampu (10) o 50% ang nagsabi na pumapayag sila na ipatupad at sampu (10) o 50% din ang nagsabing sila ay hindi pumapayag na matuloy ito.
Sa pangatlong tanong, nalaman na naging bukas ang isipan ng mga estudyante sa mga ganyang usaping bagay noong sila ay nasa Ika-8 na baiting sa High School, sagot ng karamihan.
Sa pang apat na tanong, tinanong ang mga estudyante kung ano ang magiging bunga kung matutuloy ang plano ng DOH na mamigay ng libreng condom sa mga estudyante ng SHS. Ang sagot ng karamihan ay mas magiging curious lang ang mga estudyante na gawin ang mali kasi alam nila ay ligtas sila sa condom na ibibigay ng DOH.
Sa pang limang tanong, tinanong ang mga estudyante kung ano ang gagawin nila sa condom na ibibigay ng DOH. Ang sagot ng karamihan ay gagamitin daw nial ito.
Sa pang anim na tanong, tinanong ang mga estudyante kung ano ang mas mainam na paraan upang mabawasan ang kaso ng HIV/AIDS kaysa sa pamimigay ng condom. Ang sagot ng karamihan ay mag karoon ng sports activity kesa mamigay ng condom upang malibang ang mga estudyante.
Sa pang pitong tanong, tinanong ang mga estudyante kung bakit tumataas ang kaso ng HIV/IDS sa ating bansa. Ang sagot ng nakararami ay nakikipagtalik kung kani kanino kaya nag kakaroon ng HIV/AIDS.
Sa pang walong tanong, tinanong ang mga estudyante kung ano ang magiging reaksyon nila kapag tinanong sila kung gusto ba nila ng condom ng mga taga DOH. Ang sagot ng nakararami ay madidismaya sila.
Sa pang siyam na tanong, tinanong ang mga estudyante kung kanino sila hihingi ng payo para mas maintindihan pa ang mga ganitong usaping bagay. Ang sagot ng nakararami ay sa magulang nila sila hihingi ng payo para maintindihan nila ang mga ganitong usaping bagay.
Sa pang sampung tanong, tinanong ang mga estudyante kung para sa kanila, makakabuti ba o hindi ang pamimigay ng libreng condom ng DOH sa mga SHS. Ang sagot ng nakararami ay makakabuti.

REKOMENDASYON

Ang mairerekomenda ay huwag munang gawin ang mga bagay nayan ng wala pa sa wastong edad at lubos na hindi pa naiintindihan. Makinig lagi sa magulang at humingi lagi sa kanila ng payo tungkol sa mga bagay nayan.


KONKLUSYON

Hindi naman masama ang ginagawa ng DOH, iniisip lang nila an gating kapakanan at n gating bansa. Ngunit hindi naman tama na mamigay sila ng mga condom sa mga SHS. Dahil mas magiging curios lamang ang mga estudyante na gawin ang mali. Imbes na iwasan parang ini-engganyo  pa sila kasi alam nila na safe sila dun sa condom. Hindi din naman tama nag awing distribution center ng conom ang mga paaralan. Hindi ba parang sinasabi na nila na okay lang na makipagtalik kahit na wala pa sa wastong edad kasi namimigay na sila ng libreng condom sa mga estudyante ehh.


SANGGUNIAN



·      http://www.remate.ph/2016/12/pamimigay-ng-condom-sa-iskul-pinalagan/


 MGA TANONG

1. Ilang taon kana?
     
a.16    b. 17   c. 18   d. 19

2. Pumapayag ka bang ipatupad ang panukalang pamimigay ng libreng condom sa SHS upang mabawasan ang tumataas na bilang nagkakaroon ng HIV/AIDS?
a. oo   b. hindi

3. Anong taon ka noong naging bukas ang isipan mo sa mga ganitong bagay?
a. grade 7   b. grade 8   c. grade 9   d. grade 10   e. grade 11

4. Ano ang magiging bunga kung matutuloy ang pamimigay ng libreng condom ng DOH?
a. Tataas pa lalo ang kaso ng HIV   b.Mababawasan ang kaso ng HIV   c. Dadami lamang ang mga maagang mag-aasawa   d. mas magiging curious lang ang mga estudyante na gawin ang mali, kasi alam nila na ligtas sila sa condom na ibibigay ng DOH.

5. Kung sakaling bigyan ka ng libreng condom, ano ang gagawin mo dito?
a. ibibigay mo sa tatay mo   b. gagamitin   c. ibibigay sa kaibigan   d. itatapon 

6. Kaysa sa pamimigay ng libreng condom, ano ang mas mainam na paraan upang mabawasan ang kaso ng HIV?
a. Sport activities
b. Huwag magmadali
c. Makinig lagi sa mga payo ng magulang

7. Bakit tumataas ang kaso ng HIV?
a. Kulang sa sex education ang mga kabataan
b. dahil masyadong nagmamadali
c. nakikipagtalik kung kani-kanino
d. walang disiplina sa sarili

8. Ano ang magiging reaksiyon mo kung tinanung ka ng mga taga DOH kung gusto mo ba ng libreng condom?
a. madidismaya
b. malulungkot
c. masaya
d. magagalit

9. kanino ka hihingi ng payo para mas maintindihan mo pa ang mga ganitong bagay?
a. sa magulang
b. Barkada
c. teacher
d. kapatid

10. Para sa iyo, makakabuti ba o hindi ang pamimigay ng libreng condom?
a. makakabuti   b. makakasama   c. iba pa ____




Miyerkules, Marso 22, 2017

      I learned from Empowerment Technology II is on how to use Microsoft Excel and Power point Presentation. I improve my skills on how to operate computers. I learned on how to edit pictures by using Picto Charts. I learned how to use internet safety. And lastly I learned on how to create a forums.

Lunes, Pebrero 20, 2017


With a Smile
by: Eraserheads
    
     
     I heard the song first in the T.V commercial Bibo Cheese Hotdog and this commercial brought me in this song. This song makes me feel happy and relax every time i heard it. And I like the message of the.The song is for the children those who have cancer. They want to make them happy even if they are tired in there situations. And this song is my favorite OPM song.

Linggo, Pebrero 12, 2017

Ten Uncommonly Used Filipino Words

  1. Dumatal-Dumating
  2. Masimod-Matakaw
  3. Naapuhap-Nahanap
  4. Sapantaha-Hinala
  5. Batalan-Lababo
  6. Anluwage-Karpintero
  7. Adhika-Nais o gusto
  8. Batlag-Kotse
  9. Nabuslot-Nahulog sa butas
  10.  Kumakandili-Nagmamalasakit

   Mga Halimbawang Pangugusap:
  1. Si Marlou ay dumatal sa kanilang bahay kahapon.
  2. Si Mark ay masimod na kumain.
  3. Ang nawawalang aso ni Glen ay naapuhap na.
  4. Sapantaha ng kanyang asa ay may babae siyang iba.
  5. Nasira ang aming batalan.
  6. Ang aking lolo ay anluwage.
  7. Adhika kong maging isang seaman.
  8. Ang kapit-bahay namin ay may batlag.
  9. Ang cellphone ko ay nabuslot.
  10. Si Noli ay kumakandili sa mga mahihirap nating kababayan.

Miyerkules, Enero 18, 2017

Mga Bayani ng Ating Bansa

  Maraming mga Pilipino ang pumupunta sa ibat' bang panig ng mundo upang mag trabaho. Mababa kasi ang pasahod ng mga kompanya dito sa ating bansa. Kaya naman hirap nilang itaguyod ang kanilang pamilya. Kaya napipilitan silang mangibang bansa para makahanap ng mas magandang opurtunidad at mataas na sahod.
  Ang mga kawawa nating mga kababayan na OFW ay kayod ng kayod sa ibang bansa kahit sila ay nahihirapan na. Basta may makain lang ang kanilang pamilya sa Pilipinas at basta may maipadala lang na pera para sa kanyang pamilya, pang aral ng kanilang mga anak, pang gastos sa araw araw at pambayad nila sa kanilang mga utang. Sabi nga ng mga balikbayan na mas maganda pa nga raw ang buhay dito sa Pilipinas kasi doon sa ibang bansa ay kayod sila ng kayod para maka ipon ng pera.
  Tunay nga kahanga hanga ang mga kababayan natin na nag tatrabaho sa ibang bansa. Dahil kahit na hirap na hirap na sila hindi pa din sila tumitigil sa pagtatrabaho para sa kanilang pamilya. Kaya karapat dapat lamang silang tawagin na "Mga Bayani ng Ating Bansa".

Martes, Enero 17, 2017

Apat na dekada isang barkada

Unang araw ng pasukan
Lahat nagkakahiyaan
Hindi alam mga pangalan
Hanggang sa nagkakwentuhan
At nabuo ang barkadahan.

Problema'y makakalimutan
Sapagkat ang barkada andyan
Sa highschool life mo din mararanasan
Mainlove, masaktan natutong makipaginuman
Lahat yan ay andyan.

Masayang alala kasama ang barkada ay di makakalimutan
Ako'y napapangiti nalang minsan
Kapag naaalala ko ang nakaraan
Kasama ang barkada sa mga ginawang kalakohan.

Biyernes, Enero 13, 2017

Mga Paraan para Maiwasan ang Maagang Pag-aasawa

  Maraming dalagang Pilipina na menorde edad ang nagiging dalagang ina at madami din ang nagiging batang ama. Sa panahon ngayon ay uso yan. Kaya't huwag ng balaking makiuso pa. Madali lang namang iwasan yan ehh wag lang lumandi at wag mag padali kung ayaw mong mag patali at magpadede ng maaga. Ang pag aasawa ay hindi biro biro. Narito ang ilang mga tips para maiwasan ang pag-aasawa ng maaga:
1. Aral aral muna bago landi para maganda ang kinabukasan

2. Iwasan muna ang pakikipag bf o gf kung mamaari. Pero hindi na maiiwasan yan okay lang basta wag gagawa ng kababalaghan para iwas. Alam mo na haha.

3. Huwag ng gumimik sa gabi.

4. Pag niyaya ka ng mga kaibigan mo na uminom ay wag ng sumama baka lagyan nila ng mahiwagang betyin yang iniinom mo at pag katapos ay mawalan ka ng malay at may gagawin na sila sayo na di kanais nais.

5. Iwasang makibarkada sa malalanding kaibigan  baka mahawaka. Kung alam mong mga BI yang mga babarkadahin mo wag ng makibarkada.
   Nasasayo nayan kung mag papalandi ka buhay mo yan ehh. Pero sana huwag muna mag madali baka yan pa ang dahilan ng maagang pag aasawa mo. Mag aral nalang muna ng mabuti at sumunod tayo sa mga payo ng magulang natin para hindi tayo mapahamak. Wag nating ipag palit ang magandang kinabukasan para sa panandaliang kaligayahan. Salamat po.:)