Huwebes, Marso 23, 2017

Dapat Bang Aprubahan ang libreng Pamimigay ng condom ng DOH sa mga Senior High School Students


DAPAT BANG APRUBAHAN ANG LIBRENG PAMIMIGAY NG CONDOM NG ATING PAMAHALAAN SA MGA SENIOR HIGH SCHOOL STUDENTS?


PANIMULA:
           
Layunin ng pananaliksik na ito na malaman kung papayag ba ang mga SHS na ituloy ang planong pamimigay ng libreng condom ng ating pamahalaan upang mabawasan ang tumataas na kaso ng HIV/AIDS sa ating bansa.
            Ang condom ay naimbento ni Charles Goodyear taong 1839. At nailabas ito sa publiko noong 1855. Dumarami na ang kaso ng HIV/AIDS sa ating bansa. At patuloy na tumataas ang mga nagkakaroon ng sakit na ito sa ating bansa. Karamihan pa sa mga nagkakaroon nito ay mga kabataan na may edad na 17-25 na taong gulang. Kaya naman nababahala na an gating pamahalaan. Ang naiisip nilang paraan para mabawasan ang tumataas na kaso ng HIV/AIDS sa ating bansa ay ang pamimigay ng libreng condom para sa mga SHS.
            Hindi pa ito naaaprubahan ng DepEd sa ngayon at kung matutuloy ang panukalang ito mamahagi na sila ng mga condom sa mga paaralan sa susunod na taon. Hati naman ang opinyon ng mga kabataan tungko dito. Ngunit alanganin na matuloy yan dahil maraming makakalaban ang DOH diyan. Isa na diyan ang simbahang Katoliko at ang mga magulang ng mga estudyante. Kapag namigay ka kasi ng condom, hindi mo hinihikayat ang kabataan na umiwas kundi ini-engganyo mo na subukan nila kasi alam nila na ligtas sila sa condom na yun.


Kahulugan ng mga termino.
       HIV- Human Immunodeficiency Virus.

AIDS- Ang AIDS o Acquired Immune Deficiency Syndrome ay
nakukuhang sindrom n may panghina ng resistensya. Ito ay huling yugto ng impeksyon ng HIV.

         SHS- Senior High School

         DOH- Department of Health
        
        


KATAWAN

Ang mga interbyu ay mga SHS ng Arnedo, National, High School kung saan ay nag interbyu ng dalawampung estudyante (20). Sa unang tanong, tinanong ang mga ito kung ilang taon na sila. Labing apit (14) na tao o 70% na pursyento ang nagsabing sila ay labing pitong taong gulang (17). Apat (14) naman o 20% ang nagsabing sila ay labing anim (16) na taong gulang at dalawa (2) naman o 10% ang nagsabing  sila ay labing siyam (19) na taong gulang.
 Sa pangalawang tanong, tinanong ang mga estudyante kung pumapayag sila na ipatupad ang panukalang pamimigay ng librenng condom sa mga SHS upang mabawasan ang tumataas na bilang ng mga nagkakaroon ng HIV/AIDS sa ating bansa. Sampu (10) o 50% ang nagsabi na pumapayag sila na ipatupad at sampu (10) o 50% din ang nagsabing sila ay hindi pumapayag na matuloy ito.
Sa pangatlong tanong, nalaman na naging bukas ang isipan ng mga estudyante sa mga ganyang usaping bagay noong sila ay nasa Ika-8 na baiting sa High School, sagot ng karamihan.
Sa pang apat na tanong, tinanong ang mga estudyante kung ano ang magiging bunga kung matutuloy ang plano ng DOH na mamigay ng libreng condom sa mga estudyante ng SHS. Ang sagot ng karamihan ay mas magiging curious lang ang mga estudyante na gawin ang mali kasi alam nila ay ligtas sila sa condom na ibibigay ng DOH.
Sa pang limang tanong, tinanong ang mga estudyante kung ano ang gagawin nila sa condom na ibibigay ng DOH. Ang sagot ng karamihan ay gagamitin daw nial ito.
Sa pang anim na tanong, tinanong ang mga estudyante kung ano ang mas mainam na paraan upang mabawasan ang kaso ng HIV/AIDS kaysa sa pamimigay ng condom. Ang sagot ng karamihan ay mag karoon ng sports activity kesa mamigay ng condom upang malibang ang mga estudyante.
Sa pang pitong tanong, tinanong ang mga estudyante kung bakit tumataas ang kaso ng HIV/IDS sa ating bansa. Ang sagot ng nakararami ay nakikipagtalik kung kani kanino kaya nag kakaroon ng HIV/AIDS.
Sa pang walong tanong, tinanong ang mga estudyante kung ano ang magiging reaksyon nila kapag tinanong sila kung gusto ba nila ng condom ng mga taga DOH. Ang sagot ng nakararami ay madidismaya sila.
Sa pang siyam na tanong, tinanong ang mga estudyante kung kanino sila hihingi ng payo para mas maintindihan pa ang mga ganitong usaping bagay. Ang sagot ng nakararami ay sa magulang nila sila hihingi ng payo para maintindihan nila ang mga ganitong usaping bagay.
Sa pang sampung tanong, tinanong ang mga estudyante kung para sa kanila, makakabuti ba o hindi ang pamimigay ng libreng condom ng DOH sa mga SHS. Ang sagot ng nakararami ay makakabuti.

REKOMENDASYON

Ang mairerekomenda ay huwag munang gawin ang mga bagay nayan ng wala pa sa wastong edad at lubos na hindi pa naiintindihan. Makinig lagi sa magulang at humingi lagi sa kanila ng payo tungkol sa mga bagay nayan.


KONKLUSYON

Hindi naman masama ang ginagawa ng DOH, iniisip lang nila an gating kapakanan at n gating bansa. Ngunit hindi naman tama na mamigay sila ng mga condom sa mga SHS. Dahil mas magiging curios lamang ang mga estudyante na gawin ang mali. Imbes na iwasan parang ini-engganyo  pa sila kasi alam nila na safe sila dun sa condom. Hindi din naman tama nag awing distribution center ng conom ang mga paaralan. Hindi ba parang sinasabi na nila na okay lang na makipagtalik kahit na wala pa sa wastong edad kasi namimigay na sila ng libreng condom sa mga estudyante ehh.


SANGGUNIAN



·      http://www.remate.ph/2016/12/pamimigay-ng-condom-sa-iskul-pinalagan/


 MGA TANONG

1. Ilang taon kana?
     
a.16    b. 17   c. 18   d. 19

2. Pumapayag ka bang ipatupad ang panukalang pamimigay ng libreng condom sa SHS upang mabawasan ang tumataas na bilang nagkakaroon ng HIV/AIDS?
a. oo   b. hindi

3. Anong taon ka noong naging bukas ang isipan mo sa mga ganitong bagay?
a. grade 7   b. grade 8   c. grade 9   d. grade 10   e. grade 11

4. Ano ang magiging bunga kung matutuloy ang pamimigay ng libreng condom ng DOH?
a. Tataas pa lalo ang kaso ng HIV   b.Mababawasan ang kaso ng HIV   c. Dadami lamang ang mga maagang mag-aasawa   d. mas magiging curious lang ang mga estudyante na gawin ang mali, kasi alam nila na ligtas sila sa condom na ibibigay ng DOH.

5. Kung sakaling bigyan ka ng libreng condom, ano ang gagawin mo dito?
a. ibibigay mo sa tatay mo   b. gagamitin   c. ibibigay sa kaibigan   d. itatapon 

6. Kaysa sa pamimigay ng libreng condom, ano ang mas mainam na paraan upang mabawasan ang kaso ng HIV?
a. Sport activities
b. Huwag magmadali
c. Makinig lagi sa mga payo ng magulang

7. Bakit tumataas ang kaso ng HIV?
a. Kulang sa sex education ang mga kabataan
b. dahil masyadong nagmamadali
c. nakikipagtalik kung kani-kanino
d. walang disiplina sa sarili

8. Ano ang magiging reaksiyon mo kung tinanung ka ng mga taga DOH kung gusto mo ba ng libreng condom?
a. madidismaya
b. malulungkot
c. masaya
d. magagalit

9. kanino ka hihingi ng payo para mas maintindihan mo pa ang mga ganitong bagay?
a. sa magulang
b. Barkada
c. teacher
d. kapatid

10. Para sa iyo, makakabuti ba o hindi ang pamimigay ng libreng condom?
a. makakabuti   b. makakasama   c. iba pa ____




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento